The Faketorial Crown of Rosyell Ngaba

The Faketorial Crown of Rosyell Ngaba
Queen Paulina-Dyosa, Grandiosa and Ambisyosa ng Kagandahan

The Everlasting Crown of Princess Di

The Everlasting Crown of Princess Di
The Most Beautiful of Them All

Crown of Queen Latiffa

Crown of Queen Latiffa
The Reigning Queen of Batchoyan

Sunday, February 28, 2010

Ganda Lang

February 14. Exacto 7:36 ng umaga, Ako ay nagising dahil sa isang text message sa aking telepono. Kala ko pa naman, ma iinspire na ako sa text message na ito. Iyon pala, ako ay binulaga sa nilalaman ng syang mensahe, ang dahil sabi ba naman ni Paulina (short for PWET KO LANG MUKHA NYA NA). Pauline actually ang totoong pangalan ni Rosyell Ngabah.

"Gud morning Princess Di, Hapy Valentines sa iyo, Nag text na ba si Prince Charles? Araw ng puso ngayon kaya hindi daw puedeng mag atungal". An aga-aga, uminit ang ulo ko. Heto nga, hindi na nga nagpaparamdam ang mokong na iyon, tatlong araw na, gina gatungan pa ni gaga. Kunsabagay, happily married ang lola mo, ewan ko ba sa pangit na ito, may nagmamahal pa rin kahit sya ay babaeng kalbo. SAbi ko na lang sa sarili ko, di bale kako, hindi ko kailangang mag pa alter ng mukha para lang gumanda. Nang magkakilala si Queen Latifa at si Zen (Si Zenaida bah, ang baklang pakipot pero lukaret pala). Mukha atang naasiwa itong si Paulina kay Zen, maybe seguro hindi nya pa nakikita ang mga developments na nangyayari sa magtatay, aaaaaaay, mag ama pala este future partners, tseee. Ako naman, panay ang bulong ko, tignan mo ang dalawa, may pag asa kaya ito? Praning lang seguro ako kasi mas bagay ata kami ni Zen, kaso, ang Reyna naman ang nagustuhan nya kaya etsapwera ang diwata. Take note ako lang ang nabebelong sa mga Diwata. Si Paulina, maligno ata iyan. Di ba ang mga bruha maraming datung? Ang mga diwata, lagging kawawa dahil nasa kawalan? Kaya, Iyon na. Pero di bale na lang, mahal ako ng bruhang ito kahit alam nyang mas maganda ako kaysa kanya.

A day before the valentines day, pumunta kami sa Aplaya (short for Ancestral Plane Above Yonder). Yan po ay lugar malapit sa Border ng Finland and Austria. Basta iyon na iyon, imagine nyo na lang kung saan, palibhasa hindi kayo well traveled at ang hirap nyong turuan ng geography. . . anyways, Sinundo namin sa airport ang kaibigan kong direktora na taga amerika, as usual, organizer na naman ang drama ko. Siempre dahil itong si Queen Latiffa ang may sasakyan, sya ulit ang kinulit kong magsundo sa kaibigan ko. Iyon ding araw na iyon, sumama din ang malanding bruhahitang si Rafaila (short for Rampa Fa lang, umilag ka na, bakla).

Si Rafaila ay isang ala bampirang bruhita. Sya ay bruhita dahil ang powers nya ay nagsisimula pa lamang na gumanda, siempre wala ng kasing powerful pa sa tandem naming tatlo ni Queen Latiffa at ni Paulina. Isipin mo ba naman, ang pinagsamang powers ng isang reyna, princessa at bruha? Naku maloloka ka. Ewan ko lang kung paano mo sanggain ito.Back to Rafaila, si Rafaila pala ang aliping sagigilid na nagkagustong itake home itong si Zenaida noong isang buwan na ang nakaraan, kaso ang powers ni Queen Latiffa ay hindi nya nakayanan kaya hayun, umuwi sa pad nya at nag jakol na lang seguro? Nevertheless, to cut the story short, ang minsang aspiring na starlet sa puso ni Zenaida ay naging counter na lamang ng araw na iyon dahil iniwan ko sila habang sila ay namamalengke ng hipon, atswete at gurami. Nang binalikan ko sila, deretso kami ng airport at kami ulit ay on the go na pauwi sa aking munting tahanan na may gulp course. (day gulp as in gulp, lasenggera ang Zenaida day, ito pa ang isang katangian nya palang hindi maawat). Pero ok lang, sabi nya he drinks moderately lang naman daw.

Si Rafaila ulit, oo nga pala, itong bruhitang ito pala, ay nagtatampo noong isang araw pa, dahil hindi ko man lang daw sya na feature sa blog kong ito, pwes, sa pagtatapos ng blog na ito, isang mala bulubunduking pang aalipusta ang aking gagawin para lang matahimik ang hitad na ito. Mantakin mo ba naman, ganito lang ito ka santa santita tignan, pero daaaaay, malandi pa ito sa kuneho, hindi lang ito kerengkeng day, mala tarsier ito kung tumuwad, isang minute lang tapos na. Nakita nyo ang express na bus na may tatak na Philippine Rabbit? Dyan pinaglihi ang bampirang ito. Pero in fairness ha, medtech ang work ng lola mo, at hindi lang in fairness, mukhang ok din sya in Fairview, magaling ito sa tusukan, ng tinusuk nga nya ako, (gaga, nagpakuha ako ng blood sugar, ayoko ng galunggung na mukhang bilong-bilong), oo na, tinusuk ako actually noong isang attendant, pero itong si Rafaila lang talaga ang sumalba sa aking veins na nag collapsed. Ganito seguro ang mga dugong bughaw, laging hindi maka take ng too much pain. Kaya hayun, isang pitik lang ng dailiri ni gaga, tusuk at swak na swak talaga. Kitam?

Back to the present ulit tayo. . . . Sa araw ng mga pusong ito, hindi pa nag text ang dalawang malanding bruhita, Si Zen eh pumunta ata sa Venus para mag renew ng vows nya, kailangan kasi nyang makalanghap ng sariwanghangin kasi kung minsan, hindi maka pag salita day, natutuyuan ata ng laway. Hindi nakaka formulate ng sentence at hindi ma define ang mga moments nya!! Kaya itong si Queen Latiffa tuloy ay palaging imbyerna. Kapag nangyayari ang ganyan, itong si Paulina eh kaagad na naming mag responde ng KUNG AYAW SA IYO, HUWAG MO, HINDI KA KAWALAN, YOU ARE NOT MY LOST! Ang bakla, kala nila si Vilma Santos sila or si Sharon Cuneta. Kahit kay Nora Aunor day, hindi sila papasa.

Sa lahat ng aking karanasan sa puso, ngayong taon lang talaga ako nagging most happy, hindi dahil na inlove ako sa isang prinsipe, pero kahit masakit ang dulut neto sa akin, nakuha ko paring ngumiti, tumawa at kumarengkeng hahahaha. Kung may mga kaibigan ka ba namang ganito ka pangit, abay, wala ng gaganda sa iyo di ba? Hindi namaaaan, mabait naman talaga ang dalawang ito at ang dalawang saling pusa eh, talang may pakinabang din. Masaya kami palagi kapag kami ay nagsasama. We care for each other, seguro, dahil sa hirap ng aming mga naging karanasan, at sa ganitong pamamaraan na lamang namin ito idinadaan.

Habang sinusulat ko ito, ang tugtug sa FM ay “KAILANGAN KITA”, abah, ng dinaramdam at kinakapa ko kung si Prince Charles pa rin ang tinitibok neto, sabi ko parang hindi na. Sabi daw ng singer, “ang pagmamahal daw ay hindi magbabago” inday, hindi ngayon at kailanman ay kailangan kita. Ang alam ko, flavor of the year ka lang, kaya hindi most of the time ay kailangan kita. Period. Sige na nga Paulina, tama ka this time. Kung ayaw sa akin di huwag. Sa susunod na kabanata po, matutunghayan na naman natin ang ibat ibang version ng aming buhay, marami pa po kami, at lahat ng baho ng mga baklang ito ay aking ibubulatlat sa inyo. Kaya abangan.

Nagmamahal,

Princess Di- ang mapagbalatkayong princessa sa kagandahan

No comments:

Post a Comment