The Faketorial Crown of Rosyell Ngaba

The Faketorial Crown of Rosyell Ngaba
Queen Paulina-Dyosa, Grandiosa and Ambisyosa ng Kagandahan

The Everlasting Crown of Princess Di

The Everlasting Crown of Princess Di
The Most Beautiful of Them All

Crown of Queen Latiffa

Crown of Queen Latiffa
The Reigning Queen of Batchoyan

Sunday, July 4, 2010

TYPE KA RIN BA NG DATE MO???

I’m enjoying my Saturday alone-time today. Then it dawned on me na mas maraming TUTUONG alone sa mundo ngayon. Eto yung mga taong walang syota o walang asawa pero sandamakmak naman ang crushes. Irregardless sa sexual preference ng tao, halos pare-parehas lang ang ginagawa nating pagpaparamdam sa mga crush natin. Maswerte na nga kung pinapansin nila tayo. Ang masaklap pa nyan eh kung yung crush natin eh may syota na o asawa. Oh well, we can only hope for the best. At para hindi na masayang ang energy mo sa pagpapa-charming sa crush mo, heto ang mga pahiwatig na hindi ka type ng crush mo…

1. Di sya ang nauunang mag-text sayo.
2. Hindi ka nya pina-private message sa chat (YM or Plurk).
3. Ang tawag nya sayo either Kuya or Ate or Friend.
4. Pag iniimbita mo sya for a date, magtatanong sya kung sinong mga kasama nyo.
5. Malimit nyang topic kapag naguusap kayo eh ang crush nya.
6. Hindi sya komportable pag lumalambing ka.
7. Antagal nyang mag-reply sa mga text or chat messages mo.
8. Pati mga email messages mo sa kanya walang reply.
9. Pag magkasama kayo parang gusto na agad nyang umuwi.
10. Hindi ka nya matitigan ng matagal sa mata.
11. Kahit anong pagpapaganda o pagpapapogi mo, hindi nya ito napapansin.
12. Pag may problema sya ikaw ang takbuhan nya.
13. Pag masaya ang buhay nya parang hindi ka nya kilala.
14. Kung open book ka sa kanya sobrang secretive naman sya sayo.
15. Try mo syang imbitahin and andami nyang palusot para umayaw sayo.
16. Sabihan mo sya ng “I love you” at ang isasagot nya: “I have so much respect for you…”
17. Yung mga regalo mo sa kanya parang bale-wala lang. Minsan ipinamimigay pa sa iba!
18. Never ka nyang binigyan ng regalo, EVER!
19. Masaya syang kasama kapag marami kayo pero pag kayong dalawa lang super uneasy sya.
20. Maririnig mo na lang from your other friends na iritado sya sayo.

Kapag napansin mong 5 out of 20 sa nakalista dito eh nangyayari sa buhay-crush mo, gumising ka na sa katotohanan na walang ka ng pag-asa sa kanya. Huwag ka nang magkagusto sa sobrang magaganda at pogi kung di ka din naman kagandahan at kapogihan. Marami pang iba dyan sa tabi-tabi na pwede mong pagtuunan ng pagmamahal mo. Malay mo yang katabi mo ngayon eh maging syota mo! In the meantime, happy hunting na lang!

PAPANO BA MANLIGAW ULIT???


I have been single since my last relationship ended 3 years ago.....I was trying to recover and trying to take my time. In every relationship ended, moving on is among the hardest part. Just like me. It took me sometime to realize that I really need to go back in shape and start to reshape my life again....10 years of being together is the worst part to forget......but in my moving on....i met someone....hahahahahahahaa.......What im really saying was....that person catches my eyes after our first meeting....And i dont know what to do.....di ko na talaga alam kung papano manligaw ulit.....so i rush myself to a very good and asking for a rescue....and here are his advices....WHEW...tama kaya ito???



Kung nasanay ka na nagka-syota ka dahil sa M.U. (mutual understanding) then ang panliligaw ang isa sa pinaka-challenging na gawain, sa tutuo lang. Sa M.U. naman kasi, tinginan lang ng malagkit, ayos na. Walang masyadong kiyeme. Gusto kita. Gusto mo ako. Mag-syota na tayo. Ganun kadali. Pero kung manliligaw ka, sangkaterbang pawis, luha at dugo ang katapat. Papano ba talagang manligaw? Ito ang pwede mong gawin:

1. Magpakita agad ng motibo. Kung may gusto ka then magparamdam ka agad. Huwag nang pa-tweetums at hindi ka bagay. Isa pa hindi manghuhula yang liligawan mo. And take note, yung pagpaparamdam hindi ibig sabihin na magiging stalker ka. So dapat cool ka lang. As if nothing pero malalim ang dating.

2. Makipagkaibigan ka muna. Mas magiging madali pag may common friends kayo dahil mas easier ang getting-to-know-each-other portion. No pressure dapat. Huwag magmadali. Friends muna. Get them to trust you first and foremost. So yung mga actuations mo dapat parang friend lang muna. Iwasan yung mga titig na para kang adik.

3. Bigyan mo sya ng extra attention. Kung thoughtful ka sa mga friends mo – triplehin mo ang pagiging maaalalahanin sa nililigawan mo. Dapat text mo ang gigising sa kanya at text mo ang magpapatulog sa kanya. And word of advice: Sincere ka dapat sa mga actions mo. Nababasa ang kaplastikan, no!

4. Kaibiganin mo ang kapamilya nya. As much as possible show your good side always sa pamilya nya. Not to the point of bribing them naman. Pag ini-invite mong syang manood ng sine at gustong sumama ng younger kapatid nya, by all means, umuo ka agad. Be ready sa budget mo kasi may extra kang papakainin. Sa date na ganito, give more special attention sa chaperone. Extra points yan.

5. Best foot forward – all the time. Kahit iritado ka na. Kahit naiinis ka na. Kahit nauubos na ang pasensya mo. Smile ever pa rin. Huwag magpahalatang napapagod ka na. Kasi kung talagang mahal mo yan kahit ano pang pagdadaanan mo oks lang. Saka ka na magyawyaw pag sinagot ka na nya. That would be a great conversation piece!

6. Kung makaka-afford ka give ka ng regalo. Hindi kailangang mamahalin. Ang importante eh magagamit nya ang ibibigay mo. Para malaman mo ang size ng tee-shirt or blouse nya or waistline nya, ask a common friend to do it for you. Kung gusto mo namang sekretuhin na walang makakaalam na bibigyan mo sya ng regalo then eto yung pwede mong linya: “Ganda naman ng shirt/blouse/pants mo… medium ba ito? Bagay talaga sayo.” More often than not sasagot yan.

7. School bus dapat ang role mo. Kung kaya ng schedule mo, mainam na hatid-sundo ang drama mo sa kanya. That way, mapapabilib mo syang talaga. Kung may overtime sya sa work, hintayin mo talagang matapos saka ihatid mo. Kung late na natatapos ang class nya, be at the gate fifteen minutes before. Di naman kailangang may sasakyan ka pero pogi points pag meron.
8. Remember the special days. Dapat alam mo by heart kung kelan ang birthday nya. Importante din na alam mo ang class schedule nya or ang oras ng office hours nya. Itong mga information na ito isini-share lang yan sayo pag kampante na sya sayo. Kaya kapag shinare na yan then wag na wag mong kakalimutan.

9. Food. Food. Food. The best way to somebody’s heart is thru their stomach. Hindi kailangang fancy restaurants. Kahit barbecue lang oks na yan. Siempre dapat malinis at masarap din ang food. Treat your nililigawan as often as possible. Kasi kapag kumakain kayo mas relaxed ang atmosphere at dyan ka pwede tumodo sa panliligaw mo.

10. Dapat perfect ang timing mo. Tantyahin mo ang situation. Kasi pag medyo tumatagal na ang panliligaw mo eh dapat malaman mo na kung may pag-asa ka. Dito talagang masusubok kung magaling kang tumantya. Kung di mo kayang sabihin ng face to face then i-text mo na lang. Dalawa ang pwedeng mangyari dyan: Sasabihin nyang hindi ka talaga nya magustuhan or sasagutin ka nya. Pero may isang pwedeng mangyari din: Hihingi pa ng more time yan. At pag ito ang sagot nya nasa 50% ka na… gusto ka na rin nyan.

Siempre itong mga ito, base on experience no. Kaya wag nang magtaas ng kilay dyan. May mga panliligaw din akong naunsyami. Merong successful din naman. Meron ding nabitin at meron din ongoing. Bahala na nga lang si Batman. Good luck na lang sa panliligaw nyo. Yun lang.