The Faketorial Crown of Rosyell Ngaba

The Faketorial Crown of Rosyell Ngaba
Queen Paulina-Dyosa, Grandiosa and Ambisyosa ng Kagandahan

The Everlasting Crown of Princess Di

The Everlasting Crown of Princess Di
The Most Beautiful of Them All

Crown of Queen Latiffa

Crown of Queen Latiffa
The Reigning Queen of Batchoyan

Monday, February 22, 2010

THE CONTENDERS TO THE THRONE OF NAMNAMA

Umuwi galing London ang mahadera kong kaibigan na kung tawagin naming si Rosyell Ngaba? Si Rosyell ay isang malanding baklang akala mo ay walang kasing tino sa kagalingan ng mga santa. Rosyell ang gusto nyang ipangalan sa sarili nya kasi na ta typan nya ang lahat ng mga kantang sawi ng totoong Roselle Nava. Si Rosyell ay isang dalagang hitad na nag papantasya ng maraming anak, hayun, lahat ng mga pamangkin nya halos ay sya ang nagpapaaral. Halos mag patayo na nga daw sya ng Educational Foundation dahil dito. Pero di bale, mapera ang lola mo. Nurse sa London bridge is falling down ang drama ng bruha. Pero retokada ang lola mo day, mas maganda pa rin ako, (aysus, huwag mo nga lang tignan ang tatlong bilbil ko hehehe) But that’s another story.

Sa panahong ito nagkakilala si Rosyell at ang aking dakilang kaibigang si Queen Latifa short for Queen Natifalo. . . Naging magkaibigan ang dalawa dahil sa mga family ties nila. Halos sa araw araw na lamang ng bagong taon, kaming tatlo ang magkakasama, kulang na lang magkaroon ng orgy kaso, parang hindi namin ma take na kumain ng sariling mantika, hindi lang nakakasuka, talagang nakakarimarim pang talaga, yaaaaiks. I guess, dito sa Pilipinas, hindi natin ma take na kainin ang sarili mong kaibigang isda na kung tawagin sa Ilonggo na budburun. Ewan ko ba, lagging ito palagi ang role ko sa buhay. Taga kumbida, taga organize, at kung ano ano pa. Kung minsan nga, ako na ang marumi, malandi, puta. . . at ang mga hitad na ito, mga santa, kala mo ang tino-tino ng mga birheng walang kapa pero butas ang puwet. Tse. . . di bale na, lab ko naman ang mga ito, super. (tama na ang drama day, bakla!)

Sa halos araw araw naming pagsasama, nakilala namin si Zenaida. Si Zenaida is short for Zinaunang Ulay na Kahawig ni Ada. Talaga namang magandang lalaki netong si Zenaid tsong. Matangkad, parang dark na koreano ang dating, pang model talaga. Itsura lang ni Piolo Pascual and Mark Nielsen. Actually, kung paghaluin mo ang beauty ng dalawang hitad na ito, sila ang pinagsamang hawig na maging si Zenaida. ZenaidA de la Peña byuda de Balikangkangangang Pwet.

Noong gabi ng parangal pa lamang and over the bottle of SML (San Mig Light gaga!) na kung saan nag pa despedida de goodbye ang aming amigang nurse din sa Amerika, nakita ko nang maraming nagkakagusto ditto kay Zenaida. Pero, hindi ako halos makalandi kasi ang aking nililigawang Prinsipe ay aking kasama. In fact, napaka sweet naming dalawa ng gabing iyon. Kanya itong si Lola Zenaida mo eh halos wala na ring pakialam sa palibot nya. Hindi naglaon ang gabi, hinatid ko na pauwi si Prince Charming ko. Nag dali-dali akong bumalik kaagad at nakipag harutan sa kuwentuhan sa resto ng aking kaibigan.

Nang matapos ang party, nagkauwian na. Siempre, dahil si Queen Latifa ang may sasakyan, sya ang naghatid sa amin. Avah, di pala namin alam, may isang hitad pala na makamundo ng gabi na iyon na ang plano ay i-garahe si Zenaida. Kaso, ang lola mong Reyna na naka gown ng green na Mitsubishi ang nagwaging ihatid na lamang sa bahay nya si Zenaida. Just to make sure na walang takers ang loka. . . Luhaan ang hitad na umuwi sa kanyang pad. Hindi nya alam, hindi na nya masisilayan kailanman ang alindog na hubad ni Zenaida ever. . .

Nang gabi ding iyon nag titext-text pa kami ni Zenaida. Nagparamdam aketch siempre. Kinaumagahan, niyaya ko syang kumain ng batchoy kasi sabi ko sa kanya, may masarap na batchoy akong alam. In respect to my colleague, sinabihan ko sya na we will be eating batchoy. Abah, ang lola mo. . . . ng malaman ng Reyna Emperatriz sa katauhan ni Queen Latifa na nag first move na ako, aba day, humarurut papuntang batchoyan. Kasehodang hindi pa naliligo, as in na parang akala mo ay mahuli sa byaheng Cainta, Rizal. Take note this time, sya ay naka gown na Grey by Izuzu Max day ang drama, pa impress. Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong maka first base. . . . Wala na eh, nakabakod na ng itim na steel bars na hango pa sa Central Bank si Zenaida. Ng araw ding iyon, alam ko ng ako ay parang si Nick Perlas na nadisqualify ng Comelec sa halalan.

Ito ang umpisa ng isang napakaganda at colorful na karengkengan, kaloka- lokahan at balingkinitang pagwawagi sa tinatawag na pagmamahal ng mga baklang sawi sa physical na anyo pero hindi maramot sa kagandahan.

INTRODUCTION pa lang iyon mga inday . . . . . o sya! Next time ulit.

By PRINCESS DI

No comments:

Post a Comment